MICHAEL copy

SINUNOD ni Michael Pangilinan ang payo ni Nora Aunor na “huwag iarte, just be yourself” sa pagganap bilang si Red sa pelikulang Pare, Mahal Mo Raw Ako.

Lumutang ang natural na pagkilos at pag-deliver ng linya ni Michael in this gay-oriented movie, ang unang pelikula niya.

Idagdag din ang magandang rehistro sa screen ni Michael na lalong nagpatingkad sa kapogian ng singer. Sa preem ng pelikulang sinulat at dinirehe ni Joven Tan, tiliang umaatikabo ang isinasalubong kay Michael kapag ikino-close-up siya ng kamera.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nakaw-eksena rin sina Matt Evans at Joross Gamboa sa palitan nila ng kanilang unang karanasan sa beki. Straight man o hindi ay makaka-relate sa kuwento ng Pare, Mahal Mo Raw Ako.

Sa pag-ani ng positibong feedback ni Michael sa unang pelikula niya, huwag nang magpatumpik-tumpik ang Kapamilya Network na isabak siya sa kanilang future teleserye projects. (REMY UMEREZ)