IPINAGDIRIWANG ngayon ang ika-25 anibersaryo ng Maalaala Mo Kaya (MMK), the longest drama anthology sa telebisyon.

Aminado ang producer at host na si Ms. Charo Santos-Concio na may impluwensiya sa kanya ang mga palatuntunan nina Tia Dely, Kuya Cesar, at Helen Vela sa pagbuo ng isang drama program batay sa mga liham mula sa mga tagapakinig.

Ayon na rin kay Charo, nag-level-up ang MMK sa pagiging reality show. Walang dudang nagsisilbing gabay at inspirasyon ang mga kwentong sumasalamin sa maraming aspeto ng buhay.

“Para sa nakararami, naging daan ang mga ito upang ipagpatuloy ang kanilang mga pangarap sa buhay. At habang may nakikinig at may mga advertisers na nagtitiwala sa MMK, patuloy namin itong ibabahagi sa aming mga tagasubaybay,” ani Charo.

Tsika at Intriga

Sue Ramirez, hiwalay na raw sa jowang mayor?

Dapat ding ipagbunyi ang pagbabalik pelikula ni Charo sa Ang Babaeng Humayo sa direksiyon ni Lav Diaz. Nakatitiyak kaming exceptional ang role ni Charo kaya hindi niya ito natanggihan.

Piling-pili at de-kalidad projects ni Charo, sa TV man ito o sa pelikula. Ang ilan sa mga nilabasang pelikula ni Charo ay ang Itim, Brutal, Kisapmata at Gumapang Ka Sa Lusak na madalas ipalabas sa Cinema One. (Remy Umerez)