canelo copy

MIAMI – Ipinag-utos ng Miami jury nitong Lunes (Martes sa Manila) na bayaran ni Saul “Canelo” Alvarez ng US$8.5 million ang kanyang dating promoter.

Lumipat ang world super welterweight champion sa Golden Boy Promotions ni Oscar dela Hoya noong 2009.

Sinabi ng tagapagsalita ng Golden Boy na kaagad na iaapela ni Alvarez ang desisyon batay na rin sa kawalan ng katotohanan sa pahayag ni Miami-based Felix “Tuto” Zabala Jr. na nakatulong ang All-Star Boxing Inc. sa career ng two division champion mula sa Mexico.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

“I’m happy, because I did this not for money, but for the dignity of my business,” pahayag ni Zabala sa panayam ng Los Angeles Times.

“You have to respect contracts,” aniya.

Siyam na laban ni Alvarez ay sa pangangasiwa ng All-Star at ayon kay Zabala, lumagda ng kontrata si Alvarez ng dagdag na tatlong taon bago ito lumipat sa Golden Boy.

Isinampa ang reklamo noong 2011 at tinanggihan ng Golden Boy ang alok na US$5 million sa pag-aayos.

“We would not be extorted,” ayon sa pahayag ng Golden Boy.

“It is absurd to think that All-Star Boxing provided anywhere near that amount of value that the jury awarded under a separate claim. We will appeal this part of the decision, and are confident we will win, just as we did on the contract dispute,” anila.