Hunyo 14, 1951 nang ihandog ang unang commercial electric computer sa mundo, ang Universal Automatic Computer (UNIVAC), sa United States Census Bureau. Sina John Mauchly at J. Presper Eckert ang nag-develop sa nasabing computer.

Sa pamamagitan ng libu-libong vacuum tube, nagagawang magkalkula ng UNIVAC. Ang bawat unit ay may bigat na 16,000 pounds, at kaya ang hanggang 1,000 calculations kada segundo.

Mas siksik ang UNIVAC kumpara sa Electronic Numerical Integrator and Calculator (ENIAC), na nag-ookupa ng 15,000 talampakan at gumagamit ng 17,000 vacuum tube. Ang ENIAC ay nagkakahalaga ng $500,000, at inilunsad noong 1946.

Sa huling bahagi ng 1950s, pinalitan ng transistor-powered computer ang UNIVAC, dahil hindi malakas sa kuryente ang una at hindi kailangan ng malaking espasyo.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'