Dahil sa cash shortage, isang empleyado ng Manila City Hall ang nahatulang mabilanggo ng hanggang 26 na taon.

Sa desisyon ng Manila Regional Trial Court Branch 22, hinatulang guilty sa kasong malversation of public fund at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Vilma Ibay, ng Veterinary Inspection Board.

Pinagbatayan ng kaso ang report ng Commission on Audit (CoA) na simula Nobyembre 2000 hanggang Hunyo 2001 ay nasa mahigit P929,000 ang kabuuang koleksiyon ni Ibay sa slaughter fee sa Blumentritt Public Market, pero mahigit P757,000 lang ang kanyang nai-remit.

Sa ilalim ng Revised Penal Code, ang kabiguan ni Ibay na mapangalagaan ang pondo ng gobyerno na nasa kanyang pangangasiwa ay matibay na ebidensiya na nagkaroon ng misappropriation o personal niyang nagamit ang pera.

Eleksyon

Doc. Willie Ong, inendorso si Sen. Imee Marcos

Bukod sa pagkabilanggo, pinagmumulta rin si Ibay ng mahigit P172,000 na katumbas ng nawawalang koleksiyon at habambuhay nang diskuwalipikado sa public service. (Beth Camia)