Isang lalaki ang natagpuang patay at palutang-lutang sa Pasig River sa Binondo, Maynila, kahapon.

Inaalam na ng Manila Police District (MPD) ang pagkakakilanlan ng biktima na nasa edad 35, may tattoo sa katawan na “Philippines 2000” at “680” sa sentido, nakasuot ng itim na T-shirt, at brief.

Batay sa ulat ni Detective Marlon San Pedro, dakong 5:00 ng madaling araw nang natagpuang palutang-lutang ang biktima sa Pasig River, na sakop ng Binondo, Manila.

Ayon sa isang empleyado ng M/T Thea, nadaanan nila ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa gilid ng Federation wharf kaya agad niyang ini-report sa Coast Guard sub station, na nag-ahon sa bangkay.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Inaalam na rin ng pulisya ang dahilan ng pagkamatay ng biktima. (Mary Ann Santiago)