Mga laro ngayon

(Rizal Memorial Baseball Field)

8 n.u. -- Thunderz vs Unicorns

11 n.u. -- PAF vs IPPC

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

 

Target ng Philippine Air Force na masungkit ang ikalimang sunod na titulo sa pagsagupa sa IPPC Hawks sa “winner-take-all” championship match ng 2016 PSC Commissioner’s Baseball Cup ngayon sa Rizal Memorial Baseball Field.

Una munang magsasagupa ganap na 8:00 ng umaga para sa ikatlong puwesto ang Thunderz at Unicorns bago ang paghaharap ng 2-time PSC Chairman’s Cup at PSC Commissioners Cup champion Airmen at IPPC Hawks sa 11:00 ng umaga.

Pinatalsik ng Airmen ang pinakamahigpit nitong nakasagupa sa semifinals na Thunderz, 5-4, habang dinaan naman sa karanasan ng Hawks ang Unicorns sa hiwalay na semis duel.

Kapwa hindi nakalasap ng kabiguan sa eliminasyon ang Airmen na nasa Group A at Hawks na nasa Group C sa pagtatala ng apat na sunod na panalo. Tinalo ng Airmen sa quarterfinals ang UST Growling Tigers, 5-1, habang binigo ng Hawks ang NU Bulldogs, 6-3.

Kung papalarin, ito ang ikalimang sunod na kampeonato ng Air Force sa torneo na inorganisa ng Philippine Sports Commission.

“We now have pool of players na puwede kunin sa national team,” sabi ni tournament commissioner Arsenic Laurel.

“Kami naman ay laging nakahandang tumulong at kung anuman ang mangyari sa liderato ay nakahanda kami tumulong para sa baseball,” aniya.