[caption id="attachment_175379" align="alignright" width="199"]???????????????????????????????

PAGKATAPOS ng advance screening ng Born For You, agad inabangan ng entertainment media si Vina Morales para kunan ng reaksiyon sa bagong pahayag ni Cedric Lee, ama ng anak niyang si Ceana, na plano nitong magdemanda ng anim na libel cases laban sa singer/actress, bukod pa sa matindi nitong pinabulaanan ang sinasabing binu-bully nito ang ina ng anak.

Ayon pa kay Cedric, sa panayam ng Philippine Entertainment Portal, idadaan niya lahat sa legalidad ang gusot nila ni Vina dahil nasisisira ang pangalan niya bukod pa sa maraming sinabi ang aktres na hindi raw totoo.

Kaagad namang humingi ng dispensa si Vina sa amin dahil nagmamadali sila pagkatapos ng screening kaya tinext na lang namin siya tungkol kay Cedric.

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Ang sagot ng aktres, “This is not about me and Cedric, this is about my daughter’s welfare. Hindi naman ako lumalaban kung wala akong tamang ‘nilalaban.

“Galing sa court mismo na wala silang 10-days court approved na until now ay kini-claim nila na mayroon binigay ang court. Hindi naman magsisinungaling ang court at si Judge Sulit. 

“Mag 30 years na ako sa showbiz, wala naman kayong nariririnig sa akin na may inisahan ako at nang-api ako ng tao.

“Sa narating ko ngayon, hindi ko kailangan gumawa ng kuwento para pag-usapan at katulad ng sabi ko sa korte na mismo nagsabi na walang 10 days kaya nga naibalik ang anak ko dahil sa court.

“He was cited in contempt by the court, ang ‘nilalaban ko dito ay para sa anak ko. I’m a single mom and a working mom, sinusuportahan ko one hundred percent ang anak ko financially and emotionally, lahat ng ginagawa ko ay para sa anak ko,” ang paliwanag ni Vina.

Nananatiling bukas ang pahinang ito para sa panig ni Cedric Lee. (Reggee Bonoan)