Kinuhang import ng Globalport ang beterano sa NBA D-League na si Dominique Leondres Sutton.

Tubong  Durham North Carolina, naglaro si Sutton sa Kansas State University at North Carolina Central University.

Maituturing balik-Pilipinas si Sutton na naglaro sa kampo ng Air21 Express noong 2014 Governors Cup.

Nasukat sa taas na 6-foot-5, umaasa ang Batang Pier na makakatulong ang miyembro ng 2015 NBA Summer D League champion para sa koponan ng Golden State sa kanilang kampanya sa season ending conference.

Kendra Kramer, balik-paglalangoy; may mensahe sa mga atleta

Huling naglaro si Sutton na inaasahang darating sa Hulyo 1 sa Dolomiti Energia Trento sa Italian league.    

Nabigong makausad sa quarterfinals ng nakalipas na Commissioner’s Cup, hangad ng Batang Pier na makabawi sa pagkakataong ito. Itinalagang interim coach ang dating assistant team manager na si Johnedel Cardel.

Tangan ni Sutton ang 26 na puntos at 15.4 rebound. - Marivic Awitan