Patay ang isang construction worker matapos mabagsakan ng ikinakabit na glass panel mula sa ikalawang palapag ng ginagawang gusali sa Makati City, nitong Sabado ng hapon.

Dead on the spot ang biktima na kinilalang si Domingo Clorico, sanhi ng tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Sa inisyal na ulat ng Makati City Police, pasado 4:00 ng hapon ikinakabit ng biktima, kasama ang kapwa trabahador, ang glass panel sa ikalawang palapag ng Dwelling Building sa Paseo de Roxas.

Sa kasamaang palad, bumigay umano ang motorized lifter kaya’t nabagsakan at napuruhan ng glass panel at ng iron rim ang biktima na naging sanhi ng agarang pagkamatay ng biktima.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Masusing iniimbestigahan ng awtoridad ang nangyaring insidente. - Bella Gamotea