Hunyo 12, 1917 nang lisanin ni King Constantine I ng Greece ang kanyang posisyon sa kasagsagan ng iringan ng United Kingdom at France, at mga kaaway sa loob ng teritoryo.
Minana ng ikalawang anak ni Constantine I na si Alexander ang kanyang posisyon, ngunit hindi nagtagal ay namatay din ito noong 1920. Muling napasakamay ni Constantine I ang kanyang trono noong 1920, at ipinatupad ang pagpapalawak sa teritoryo ng Greece sa Anatolia. Ngunit muli siyang nagbitiw noong 1922, matapos ang isang rebolusyon.
Sa Balkan Wars noong 1912-13, tinulungan ni Constantine I bilang crown prince ang mga Greek na makamit ang tagumpay.
Nakisimpatya si Constantine I, na nag-aral sa Germany, sa Central Power matapos magsimula ang World War I.
Noong una, tumanggi siyang suportahan ang Serbia nang atakihin ng Bulgaria ang una. Ngunit hindi nagtagal ay pumayag siyang makatapak ang tropa ng British at French sa Salonika upang tulungan ang Serbia.