Pinapurihan ni Justice Secretary Emmanuel Caparas ang pagpapataw ng habambuhay na pagkakakulong sa isang ginang dahil sa pagbubugaw ng kanyang sariling anak at iba pang menor-de-edad sa cybersex operations.

Kinilala ni Caparas ang ginang na si Edna Recarro Orlain matapos mapatunayang guilty sa kasong qualified trafficking in persons, child abuse, at obscene publications and exhibitions.

Bukod sa pagkakakulong, pinagbabayad din ng korte si Orlain ng P2,102,000, P125,000 sa civil indemnity, at P175,000 bilang danyos.

Naaresto si Orlain sa operasyon na inilusand ng National Bureau of Investigation (NBI), sa pakikipagtulungan ng US Homeland Security Investigations-Immigration and Custom Enforcement na nagresulta sa pagkakasagip sa kanyang anak noong Agosto 2014.

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

Naaktuhang nakikipag-chat si Orlain sa isang undercover agent ng USHSI-ICE, habang nagsisimulang maghubad ang kanyang anak sa harap ng computer camera.

Lubos din ang pasasalamat ni Caparas sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) Information Technology consultant na si Christian Andrew Ibasco at kay Atty. Abdul Jamal Dimaporo ng NBI Anti-Human Trafficking Division dahil sa kanilang mahalagang papel sa operasyon laban kay Orlain. (Jeffrey G. Damicog)