SAN ISIDRO, Nueva Ecija – Nadakip na sa wakas ang isang 54-anyos na kilabot na carnapper makaraan siyang masakote sa pinagtataguan niya sa Barangay San Roque sa bayang ito.

Kinilala ng San Isidro Police ang umano’y mala-Palos na carnapper na si Martin Binuya Jr. y Sarmiento, vendor, ng Bgy. Sto. Cristo sa bayang ito, na 15 taon nang pinaghahanap ng batas.

Nasukol ang suspek sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Presiding Judge Arturo M. Bernardo, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 36 ng Gapan City, para sa kasong carnapping.

Itinakda ng korte ang paglalagak ng P300,000 piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Binuya. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog