Iginiit ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na bagamat posibleng maibalik ang parusang kamatayan sa bansa, ito ay dapat limitahan sa anim na taon lamang na panunungkulan ni incoming President Rodrigo Duterte.

Aminado si Recto na makalulusot ang parusang kamatayan sa Kongreso dahil na rin sa malaking bilang ng mga kaalyado ng bagong administrasyon.

“I am personally against the death penalty but assuming it will be restored, I will propose it be imposed only for six years or only during the term of President Duterte,” ani Recto .

Aniya, pag-aaralan din niya ang panukala saka siya magdedesisyon kung susuportahan niya ito.

Eleksyon

Wendell Ramos, pinuri matapos iurong ang kandidatura bilang konsehal

Sa ngayon, tanging sina Senators Recto, Panfilo Lacson at Leila de Lima ang nagpahayag ng pagtutol sa death penalty.

Ang parusang kamatayan ay ibinalik noong panahon ni dating Pangulong Fidel Ramos pero tinanggal naman ito sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Sa hiwalay na panayam, iginiit naman ni Lacson na inaasahan niyang magiging mahaba at matindi ang debate sa isyu ng parusang kamatayan dahil na rin sa mga paraan at kung ano ang mga krimen na dapat saklaw nito.

“Halimbawa, si Senator Pimentel mismo ay ayaw isali ang rape sa death penalty. Sa ganang akin, kapag rape na may kasamang pagpatay, mutilation at iba pang uri ng kalupitan o kaya ay statutory rape, gusto ko kasama sa death penalty,” ani Lacson. (LEONEL ABASOLA)