CAMILING, Tarlac - Isang ama ang pinaghahanap ngayon ng pulisya matapos niya umanong gawing sex slave ang sariling anak sa nakalipas na mahigit dalawang taon sa Barangay Bobon Caarosipan, Camiling, Tarlac.

Ayon kay PO3 Joan Poco, pinaghahanap na ng pulisya si Benjie Abrazado, 38, ng nasabing barangay.

Napag-alaman na nagsimula si Abrazado sa pambababoy sa kanyang anak noong 13-anyos pa lang ang huli, at paulit-ulit na hinalay ang dalagita hanggang sa sumapit ito sa edad na 15.

Sinabi ng biktima na ginagahasa siya ng sariling ama tuwing wala sa bahay ang kanyang ina, at pinagbabantaang papatayin ang kanyang mga kapatid kung magsusumbong siya sa awtoridad.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Nabunyag lamang ang kahayupan ng ama nang magtalo ang mag-ama hanggang sa madiskubre ni Mary Jane Melchor, kagawad sa Bgy. Bobon Caarosipan, ang ilang taon nang panghahalay. (Leandro Alborote)