CAMP GEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Tatlong tao ang napatay habang 48 iba pa, na napaulat na pawang sangkot sa ilegal na droga, ang naaresto sa One Time Big Time (OTBT) operations na isinagawa ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) sa 15 bayan at tatlong lungsod sa lalawigan.

Ayon kay Senior Supt. Romeo M. Caramat Jr., acting director ng Bulacan PPO, nagpatupad ang pulisya ng 24 na search warrant at isang buy-bust operation sa magkakaibang unit ng pulisya sa pagpapatuloy ng kampanya ng probinsiya laban sa ilegal na droga.

Sinabi ni Caramat na pumalag sa pagdakip kaya napatay ng mga pulis sina Alvin Ramos, ng Barangay Poblacion; Albert Roy Blas Santos, alyas “Felix”; at Raniel Blas Santos, kapwa ng Bgy. Tigpalas, pawang sa San Miguel.

May kabuuang 170 heat-sealed transparent plastic sachet ng hinihinalang shabu, anim na baril, 18 bala at apat na walang papeles na motorsiklo ang nakumpiska sa serye ng operasyon. (FREDDIE C. VELEZ)

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol