MOSCOW (AP) — Hiniling ni Russian sports minister Vitaly Mutko sa International Olympic Committee (IOC) na balewalain at ibasura ang lahat ng resulta sa isinagawang re-testing sa doping samples ng mga atleta na sumabak sa 2008 at 2012 Olympics.

“A laboratory which falsely declared a positive test result must be stripped of its accreditation and all the samples it tested must be declared invalid,” pahayag ni Mutko nitong Miyerkules (Huwebes sa Manila).

Ipinahayag ng IOC na may kabuuang 55 atleta ang nagpositibo sa isinagawang re-testing gamit ang makabagong kagamitan ng World Anti-Doping Agency (WADA). Ayon sa Russian Olympic Committee, natanggap nila ang abiso ng IOC na nagsasabi na 22 atleta, kabilang ang ilang Olympic medalist, ang kabilang sa nagpositibo.

Ngunit, sinabi ni Mutko na dalawa sa kanilang atleta na nagsumite ng “B” samples ang lumabas na negatibo kung kaya’t napagtanto nila na hindi tama ang proseso sa re-testing.

PBA, hinihingi panig ni Amores; makabalik pa kaya sa liga?