Janella at Elmo

TATAWAGING ‘ElNella’ ang love team nina Elmo Magalona at Janella Salvador na bagong pasisikatin ng ABS-CBN na gustung-gusto naman ng dalawa.

Kuwento ni Elmo, napakasaya niya dahil napapanood lang niya dati si Janella sa Be Careful With My Heart noong nasa GMA-7 pa siya at hindi sumagi sa isipan niya na makakasama niya sa serye at ka-love team pa.

Magkapareho sila ng sinabi ni Janella, na nang magkasama sila ni Elmo sa Japan ng tatlong linggo ay marami silang nalaman sa isa’t isa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“(Ang) na-discover ko is that we both love food, Japanese food to be exact, so pagdating namin doon, kain kami nang kain talaga, plus we both love pets, animals so when we have the free time, maraming mga pet store in Japan, so nagtingin-tingin kami ng dogs, ng cats,” kuwento ng binata.

May nagbiro kung bakit hindi binigyan ni Elmo ng pet si Janella, ikinatwiran niya na hindi puwedeng mag-uwi ng pet.

Pero siya ang nagbigay ng pangalan ng pusang bulag na inampon ng dalaga na natagpuan niya sa ilalim ng kotse niya.

“Nakita ko ‘yung cat so sabi ko ang name na lang is Eye-Mo, since ‘yung mata pulang-pula, di ba nakakawala ‘yung Eye-Mo,” napangiting sabi ng binata.

Ikinuwento rin ni Elmo na sobrang excited siya nang dumating sa bansa si David Pomeranz na siyang kumanta ng theme song ng Born for You serye na komposisyon din nito.

“Sobrang it’s so surreal na David Pomeranz himself flew in to sing a new rendition of his original song para sa soap namin and it’s such a big honor na ma-meet namin siya to shoot our music video,” masayang sabi ng aktor.

Aminado si Elmo na posible siyang magkagusto kay Janella in the future, pero inamin din niyang may karelasyon siya ngayon na kahit hindi niya banggitin ang pangalan ay alam naman ng lahat na si Janine Gutierrez, anak nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon. (REGGEE BONOAN)