Ed copy

KINASUHAN ng $20 million copyright lawsuit si EdSheeran, kasama ang songwriter na si Johnny McDaid at ang Sony Music, at iba pa, kaugnay ng kanyang awiting Photograph, na kinopya umano niya kay Matt Cardle, nanalo sa The X-Factor U.K. noong 2010.

“This copying is, in many instances, verbatim, note-for-note copying, makes up nearly one half of ‘Photograph,’ and raises this case to the unusual level of strikingly similar copying,” ang copyright infringement suit ay inihain nitong Miyerkules.

Base sa court documents na ipinasilip sa ET, ang mga songwriter na sina Martin Harrington at Thomas Leonard, pati na ang kanyang publishing company, HaloSongs, inaakusahan si Sheeran at ang kumpanya ng pang-aagaw ng “words, vocal style, vocal melody, melody, and rhythm.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Ang Photograph, na ini-release noong 2014 na nakapaloob sa kanyang album, x, at ang Amazing, ang single ni Cardle noong 2012 na nakapaloob sa album na Letters, ay magkapareho sa “39 identical notes -- meaning the notes are identical in pitch, rhythmic duration, and placement in the measure” sa chorus, ayon sa dokumento.

“While Sheeran, McDaid, and the other Defendants received career-defining accolades, awards, and a fortune for ‘Photograph,’ the true writers of much of ‘Photograph’ received nothing,” ayon sa reklamo.

Ang mga kasong copyright ay hindi na bago sa industriya ng musika, ngunit ito ang mabigat: Ito ay inihain ni Richard Busch, ang abogado na tumayo para sa pamilya ni Marvin Gaye kaugnay sa Blurred Lines lawsuit. (ET Online)