Toyota Cars

DAHIL sa matinding demand, pinalawig pa ng Toyota, ang Number One automotive brand sa bansa, ang “Great Deals for New Wheels” promo.

Ngayong Hunyo, tuloy ang Toyota sa pag-aalok ng great deals package na hindi lamang makatitipid nang malaki ang mga buyer ng brand new unit kundi mabilis din ang pagpoproseso sa kanilang car loan.

Iba’t ibang financing scheme ang ikinasa ng Toyota upang maging abot-kaya ang pagbili ng mga patok na Toyota sedan.

Human-Interest

LABUBudol? Mga artistang nahumaling sa 'Labubu craze!'

Sa ilalim ng “Great Deals for New Wheels,” makakapagmaneho na kayo ng pinakamabentang sasakyan na Toyota Vios, na ang babayaran kada buwan ay nasa P6,193 lang (Vios 1.3J M/T). Bukod dito, mayroon din diskuwentong P50,000 ang bawat buyer ng ibang variant ng Vios.

Bukod sa naturang hot-selling subcompact sedan, hindi na rin malayong magkatotoo ang inyong pangarap na makabili ng Toyota Wigo sa mababang monthly payment na P4,571, o maglaan lang ng P49,629 para sa all-in package. Mayroon ding ikinasang P25,000 savings promo sa ibang variant ng Wigo.

Kung hangad n’yo ay ang mas sosyal na Altis compact sedan, P25,000 ang alok na savings ng Toyota.

Ano pa ang hinihintay n’yo? Bumisita sa 50 authorized Toyota dealership sa iba’t ibang bahagi ng bansa at makibahagi sa limited offer ng respetadong Japanese car brand.

Para sa karagdagang impormasyon, bumisita sa pinakamalapit na Toyota dealer o mag-log on sa www.toyota.com. ph o tumawag sa 819-2912. (ARIS R. ILAGAN)