Pinabulaanan kahapon ni Commissioner Kim S. Jacinto-Henares ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga ulat na may panawagan sa mahigit 10,000 kawani ng ahensiya na magbitiw sa puwesto bilang protesta sa pahayag ni incoming President Rodrigo Duterte na ang BIR ay “pugad ng katiwalian.”

Naglabas ng denial si Henares hinggil sa napaulat na mass resignation matapos niyang makipagpulong kay Cesar Dulay, na itinalaga ni Duterte bilang susunod na BIR chief.

Hindi ikinaila ng outgoing BIR chief na nasaktan siya sa pahayag ni Duterte subalit iginiit nito na ito ay “perception” lamang ng susunod na pangulo.

Ayon sa sources, nagbitaw si Duterte ng maaanghang na alegasyon laban sa BIR bunsod ng patung-patong na reklamo na kanyang natanggap mula sa mga negosyante at taxpayer na nakabase sa Davao City hinggil sa umano’y pangongotong ng ilang revenue official kapalit ng paglalabs ng mahahalagang tax document, kabilang na ang Certificate Authorizing Transfer (CAR) sa pagbenta ng mga lupain.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

Sa kabila nito, ipinag-utos ni Henares ang imbestigasyon hinggil sa naturang isyu.

Wala namang inilabas ang kampo ni Henares hinggil sa kanilang pag-uusap ni Dulay na tumagal ng halos isang oras.

Idinagdag din ng mapagkakatiwalaang source na mananatili ang mga revenue official at empleyado bagamat handa si Henares at ang Revenue Deputy Commissioner for Legal Service Stella Sales sa paglisan sa kanilang tanggapan dahil ang pagkakatalaga sa puwesto ng huli ay “co-terminus” sa kasalukuyang BIR chief. (JUN RAMIREZ)