Vina copy

NAGULAT ang lahat ng mga nakakita kay Vina Morales sa San Juan Prosecutors Office Branch 162 noong Biyernes, June 6 nang magsampa siya ng motion sa custody case na isinampa ni Cedric Lee noong 2013 para sa anak nilang si Ceana, na pitong taong gulang ngayon.

“My hearing is tomorrow (ngayong araw),” kuwento ni Vina. “He (Cedric) detained Ceana from going home for nine days when I was away at hindi niya pinapakausap sa akin ‘yung anak ko, so his intention was not good and wants to bully me and harass me.

“Hindi niya ‘binalik sa family ko ang anak ko, sobra kami lahat na-stress at nag-worry kasi bawal namin kausapin si Ceana.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit able to read and write qualification ng mga kandidato sa Pilipinas?

“He also violated courts approved visitation rights na every Saturdays. 

“Alam mo ‘yan, Reg, tahimik ako all these years sa pambu-bully niya sa akin at sa yaya ni Ceana noon na ‘pinakulong niya ng three days sa San Juan nang walang kalaban-laban dahil sa ginawa nilang false story sa case na nagnakaw si Yaya ng 50k sa bodyguard ni Cedric na never nangyari ‘yun.

“Never akong lumaban noon pero ibang usapan na ito. Siyempre na-confuse ‘yung anak ko sa nangyari at nagkaroon ng konting trauma.

“Kung ako nga nagka-trauma sa kanya sa edad ko, what more ang seven years old na nabigla at naguluhan, bakit hindi siya puwedeng umuwi ng house ng nine days at hindi kami puwede makausap.

“I’m filing a case motion for no more visitation, ayaw na rin ni Ceana. ‘Yung ganyan case hahayaan ko na ‘yan sa case nila ni Vhong Navarro.

“Ang worry ko ‘yung anak ko na lumaki sa environment na okay lang mam-bully at humawa at mag-plan ng masama.

“My new lawyer now is Atty. Maribel Santiago. The lawyer who also helped me last 2013 was Atty Ariel Radovan and Atty Jiboy Cabochan,” sabi pa ni Vina. (REGGEE BONOAN)