BAMBAN, Tarlac – Nambiktima na naman ang matitinik na cocknapper at pinuntirya ang isang farm house sa Barangay Bangcu, Bamban, Tarlac.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Arnel Adto, natangayan si Eduardo Aguilar, 37, may asawa, ng nasabing barangay, ng 13 sasabunging manok na nagkakahalaga ng P45,000.

Bukod dito, nakakulimbat din ang mga kawatan ng isang DVD player na nagkakahalaga ng P10,000, iba’t ibang gamit na aabot sa P3,000, at apat na brood cock na nagkakahalaga ng P100,000. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog