KALIBO, Aklan - Isang 53-anyos na magsasaka ang nasugatan matapos atakehin ng alaga niyang kalabaw habang nagsasaka sa Madalag, Aklan.

Ayon sa magsasakang si Ariel Lopez, halos dalawang oras din silang nagtrabaho sa kani-kanilang bukid hanggang sa magpasya silang magpahinga.

Habang nagpapahinga ay bigla umanong inatake ng sariling kalabaw si Lopez, na dahilan ng kanyang pagkakasugat.

Kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital sa bayan ng Kalibo.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

(Jun N. Aguirre)