STA BARBARA, Pangasinan - Tinangka pang iligtas ang buhay ng isang ginang nang isugod siya ng pulisya sa ospital matapos siyang ilang beses na saksakin ng seloso niyang mister sa Barangay Tuliao, Sta Barbara.

Subalit bigo ang mga doktor na mailigtas ang buhay ni Editha Saludes, 40, ng Bgy. Tuliao matapos itong tadtarin ng 10 saksak ng asawang si Jessie Miguel Saludes, 38, na kalaunan ay sumuko rin sa Sta. Barbara Police.

Ganap na 2:00 ng umaga nitong Hunyo 6 nang magtalo ang mag-asawa makaraang maaktuhan ni Jessie ang isang lalaki na ibinababa sa sasakyan si Editha na inihatid nito sa harap ng kanilang bahay.

Dahil sa nasaksihan, inaya ni Jessie ang asawa na magpunta sila sa kanilang manugang, pero habang naglalakad ay nagtalo ang dalawa.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Sa puntong iyon ay hindi na napigilan ng suspek ang kanyang galit at 10 beses niyang sinaksak ang asawa sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Naabutan pa ng mga rumespondeng pulis na nakatarak ang patalim sa dibdib ng ginang.

Batay sa nakuhang impormasyon mula sa pulisya, matagal nang nag-aaway ang mag-asawa dahil sa selos.

(LIEZLE BASA IÑIGO)