MOSCOW (Reuters) – Isang Egyptian passenger plane, lumilipad mula Cairo patungong Beijing, ang nag-emergency landing sa bayan ng Urgench sa Uzbekistan matapos ang bomb threat, sinabi ng Uzbek state carrier na Uzbekistan Airways noong Miyerkules.

May sakay itong 118 pasahero at 17 crew member, na lahat ay ligtas na nailikas, sinabi ng Uzbek company. Hindi nito binanggit ang pangalan ng Egyptian airline, ngunit iniulat ng Russian news agencies na ang eroplano ay pag-aari ni EgyptAir.

Sinisiyasat na ng security services ang eroplano.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline