Dahil na rin sa mga naunang exposure sa ilang matitinding UCI (Union Cyclists Internationale) races, hindi nagpahuli ang mga miyembro ng Philippine Continental Team 7-Eleven Sava Roadbike Phils. sa iba pang mga world class rider sa kanilang kampanya sa 2.1 Tour of Korea 2016.

Hindi bumitaw sa unahan ang Pinoy at kasamang tumapos ng isang bungkos na mga siklista na pinangunahan ng stage winner na So Jon Aberasten Izaga ng Team Ukyo na gaya nila’ y bibigyan ng identical clocking na apat na oras, 26 minuto at 30 segundo.

Kasama ng mahigit 60-kataong peloton na nagtapos sa 189.1 kilometrong karera mula Busak hanggang Gumi, nakatawid na pang 16, 18 at 20 ang unang tatlong 7- Eleven riders na sina Nelson Martin, Marcelo Felipe at Arjay Peralta ayon sa pagkakasunud- sunod , sapat na upang pumangatlo ang koponan sa overall team qualification ng unang stage na pinangunahan din ng Team Ukyo.

Bagama’t pareho ang tyempo, nakakalamang ang Ukyo ng 10 segundo bilang bonus at 6 na minuto naman ang pumangalawang Vino 4- Ever SKO.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

Dahil magkakasabay na tumawid sa finish line, ibinase ang team qualification sa pagkakasunod na dumating ng mga rider. (Marivic Awitan)