Umaasa ang mga empleyado at stakeholders ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services (PAGASA) na magkakaroon na ng ganap na modernisasyon sa ahensiya sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Philippine Weathermen Employees Association President Mon Agustin, kaisa ang mga empleyado ng ahensiya sa mga adhikain ni Duterte na magpatupad ng modernisasyon lalo na sa larangan ng science and technology.

Aniya, upang maiwasan ang pag-aalisan ng mga kawani ng PAG-ASA palabas ng bansa ay mas mahalagang maipatupad na ang reporma sa ahensiya.

Sa pamamagitan, aniya, ng modernisasyon, hindi na mahuhuli pa ang PAGASA sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko hinggil sa mga kalamidad na dumarating sa bansa, tulad ng bagyo.

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte

Kaugnay nito, kinumpirma ni Agustin na pormal na nilang itinigil ang Black Friday protest makaraang lagdaan ni Pangulong Aquino ang Executive Order na nagkakaloob ng umento sa mga kawani ng Department of Science and Technology (DoST), kabilang ang PAGASA. (Jun Fabon)