Isang construction worker ang pinagsasaksak at binaril pa sa ulo habang nagbibilyar sa Malabon City nitong Sabado.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si April Hijapom, 26, habang ang suspek naman ay ang mangingisdang si Jaymon “Bugoy” Jorlesca, 21, kapwa taga-Barangay Tonsuya, Malabon.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 12:00 ng hatinggabi nang pumasok si Jorlesca, kasama ang apat na miyembro ng kanyang gang, sa bilyaran sa Bgy. Tonsuya na roon naglalaro si Hijapom.

Sinabi ng testigo na dumiretso ang grupo ng suspek kay Hijapom at dalawang beses itong sinaksak ni Jorlesca.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Nagmakaawa umano ang biktima sa suspek, ngunit bumunot ng baril ang huli at pinaputukan sa ulo si Hijapom.

Agad umanong tumakas ang mga suspek dala ang patalim at baril na ginamit sa krimen.

Ayon naman sa salaysay ng kapatid ng biktima na si Florente Hijapom, nagkaroon ng away noon ang biktima at si Jorlesco. Aniya, sinaksak din ni Jorlesco si Hijapom noong 2011.3 (Jel Santos)