ROBIN AT MARIEL copy

NASA bakasyon ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez at sa latest posting ng pictures ni Mariel sa Instagram (IG), nasa Netherlands sila. Kita sa pictures ng dalawa na nag-i-enjoy sila sa moments nila habang hindi pa isinisilang ni Mariel ang kanilang panganay.

Naging controversial ang pag-alis ni Mariel dahil marami ang nag-react sa ipinost niyang picture habang nasa loob siya ng eroplano na ang caption ay, “Hi Baby! We are going to bring you to Mommy’s favorite city. You sit tight okay? You just relax and enjoy all the food mom will give you. We love you very much!”

May mga nag-react na hindi siya dapat nagta-travel dahil maselan siyang magbuntis at dapat ay naka-bed rest siya.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

May mga natakot para sa kanya at baka muli siyang makunan. May nagsabi pang she can travel after niyang manganak.

Sa dami ng unsolicited advices na natanggap ni Mariel, hindi siya nakatiis na sumagot.

“Buti na lang happy ako. pag natapat na may topak ako...pagpapatulan ko ‘yung mga mag-comment akala alam nila lahat. i am grateful sa concern. even more grateful sa prayers pero yung mga tactless... not worth my precious time. i will focus on the positive continue being happy and i will enjoy this beautiful journey.”

Naranasan ni Iya Villania at nararanasan ngayon ni Kristine Hermosa na buntis din ang pakikialam ng netizens sa pagbubuntis ni Mariel. (NITZ MIRALLES)