Isang ginang ang namatay makaraang pagtatagain ng kanyang mister na nagtangka ring magpakamatay matapos isagawa ang krimen sa General Santos City, South Cotabato, iniulat kahapon.

Kinilala ng General Santos City Police Office (GSCPO) ang biktima na si Joan Haco Opong, 31, at ang suspek na si Danilo Opong.

Sa salaysay ng ina ng biktima na si Erlinda Haco, residente ng PI-16, Barangay City Heights ng lungsod, pinaghinalaan ni Danilo na nagtataksil sa kanya si Joan kaya niya ito pinatay.

Ayon sa pulisya, pinapunta muna ng suspek ang kanilang tatlo anak sa bahay ng kanyang kapatid, bago pinagtataga ang biktima. Kasunod nito ay naglaslas ng pulso ang suspek. Nadatnan ng mga bata na nakahandusay ang kanilang ama at may sugat sa pulso habang ang kanilang ina ay tadtad ng taga sa katawan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Isinugod sa pagamutan ang mag-asawa ngunit patay na si Joan dahil sa mga sugat sa leeg, mukha, tagiliran, hita, kilikili at braso.

Hawak na ng pulisya ang suspek na nakatakdang kasuhan ng parricide. (FER TABOY)