Belo

TUWANG-TUWA ang netizens tuwing may ipino-post na litrato ni Scarlet Snow Belo, ang biological daughter nina Dra. Vicky Belo at Dr. Hayden Kho, dahil super cute raw at halatang bibo.

Dito sa Balita unang lumabas na tunay na anak nina Dra. Belo at Hayden si Scarlet Snow sa pamamagitan ng surrogate mother na base sa pag-amin sa amin ng anak ng una na si Direk Quark Henares sa presscon ng My Candidate.

At simula nu’ng aminin na nina Dra. Belo at Hayden ang tungkol sa anak nila, malaya na silang nakakapag-post ng mga lakad nilang tatlo o lahat ng events na kasama si Scarlet Snow.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit able to read and write qualification ng mga kandidato sa Pilipinas?

Kapag sinisilip namin dati ang Instagram account ni Dra. Belo ay puro tungkol sa events ng Belo Medical Group ang naka-post, ngayon ay puro si Scarlet Snow na at real time pa.

Sabi nga ng mga sumusubaybay sa bagets, “Ang cute at halatang mayaman, ang ganda ng kutis, ikaw ba naman ang maging anak ni Belo. Kamukhang-kamuha nila ni Hayden, hindi maikakaila.”

Kamukha nga ng dalawa at naaliw kami sa litratong ipinost ni Dra. Belo na pareho sila ng damit at may caption na, “Mother and daughter dresses by Maureen Disini. It’s so much fun being a mother of a baby again.”

Maging si Direk Quark ay tuwang-tuwa rin sa kanyang “littler sister” na kinunan pa niya ng video at ipinost naman ni Dra. Belo sa kanyang account, “Thank you Heavenly Father for @scarletsnowbelo who is so sweet and pure. She grounds us and brings back the child like wonder with the happiness she gets from the simplest things. Thank you@quarkhenares for this video.”

Samantala, sitsit sa amin, kung wala rin lang daw masyadong gagawin at importanteng lakad si Dra. Belo ay mas gusto pa nitong manatili sa bahay para makapiling ang anak. (REGGEE BONOAN)