Ni ADOR SALUTA

Vice Ganda

Vice Ganda
TINATAYANG umabot sa kalahating milyong katao ang dumagsa sa Crocodile Park Concert Grounds, Davao City last Saturday para sa “DU31: One Love, One Nation Thanksgiving Party”. 

Ang malaking event na ito ay inihandog ng taga-Davao para sa kay President-elect Rodrigo Duterte at pagkakataon na rin para pasalamatan ang sambayanang Pilipino na sumuporta sa kanya nitong nakaraang 2016 elections.

Kabilang sa celebrities na nag-perform sina Arron Villafor, Andrew E., Anton Diva, Ivy Violan, Beverly Salviejo, Carlos Agassi, Jimmy Bondoc, Gladys Guevarra, Paolo Santos, Sarah Lahbati at Ivy Violan.

‘Pagluluksa ng kaibigan’: Madre, nagdalamhati malapit sa kabaong ni Pope Francis

Hosted by Bayani Agbayani, Kat de Castro at Arnell Ignacio, kabilang din sa mga nagbigay-saya ang local talents ng Davao, Visayas at Mindanao na kitang-kita kung paano pinaghandaan ang malaking event na kauna-unahang naganap sa kasaysayan ng Davao City. Sa kalagitnaan ng programa nagtalumpati si President-elect Rodrigo Duterte, nagpasalamat siya sa mga taong naniwala sa kanya. Binanggit din niya ang ilan sa kanyang mga plano kapag opisyal na siyang nanungkulan bilang pangulo ng Pilipinas. Dumating din sa event ang It’s Showtime host na si Vice Ganda na personal na inimbitahan ni incoming President Duterte subalit hindi na siya nakapag-perform dahil nagkaroon ng power failure sanhi ng pagbuhos ng malakas na ulan. Si Vice sana ang finale sa programang nagsimula ng Sabado ng hapon at magtatapos sana ng ala-una ng madaling araw ng Linggo, June 5, pero naunsyami ang kanyang inihandang performance dahil sa pagsabog ng kuryente. Gayunman, umakyat pa rin ng stage si Vice para batiin at kumaway sa daan-daang libo kataong nagtiyagang mag-abang sa kanya at tiniis ang sama ng panahon makita lamang ang kanilang idolo.