Naisalpak ni Patricia Pesquera ang long jumper sa krusyal na sandali para sandigan ang University of the Philippines kontra University of the East, 65-63, sa women’s competition ng 22nd Fr. Martin Cup Summer Basketball Tournament kamakailan, sa St. Placid gymnasium ng San Beda College-Manila campus sa Mendiola.

Nagawang maisalpak ni Pesquera ang huling tira, may siyam na segundo ang nalalabi para makasalba ang Lady Maroons at makopo ang ikaapat na panalo sa limang laro.

Kapwa pasok sa quarterfinal phase ang UP at UE, kung saan tangan ng Lady Maroons ang No. 1 seeding.

Nagwagi naman ang defending champion National University at La Salle Greenhills-A sa magkahiwalay na laro para makausad sa junior division semi-finals.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Hataw si Rhayyan Amsali sa 17 puntos, habang kumana si Muhammed Sarip ng 15 puntos para gabayan ang NU Bullpups kontra University of Perpetual Help Junior Altas, 72-59.

Nanguna naman si Migo Asuncion na may 10 puntos sa 68-49 panalo ng LSGH-A Greenhills kontra Pace Academy.

Tangan ng Bullpups ng 9-1 marka para manguna sa Group B kasama ang Adamson Baby Falcons, ang No. 2 seed sa kanilang bracket, ayon kay commissioner Robert de la Rosa.

Kumubra ng tig-13 puntos sina Jan Natividad at EJ Agbong para gabayan ang Baby Falcons sa 80-58 panalo kontra San Sebastian Staglets.

Nakuha ng LSGH-A Greenies, pinangangasiwaan ni Allen Ricardo, ang top seeding sa Group A, tangan ang 7-2 karta, kasunod ang Chiang Kai Shek Blue Dragons.

Kumana si Joshua Ramirez ng 14 na puntos sa panalo ng Blue Dragons kontra

Jose Rizal University Light Bombers, 75-55.

Makakaharap ng Bullpups ang Blue Dragons sa Lunes ganap na 9:30 ng umaga, habang magtutuos ang Greenies at Baby Falcons sa 8:00 ng umaga.