Feliciano Lopez and Marc Lopez (AP)

Feliciano Lopez and Marc Lopez (AP)

PARIS (AP) — Tila naambunan ng suwerte ni Garbine Muguruza ang kababayang sina Feliciano Lopez at Marc Lopez matapos gapiin ang liyamadong sina Bob at Mike Bryan sa men’s doubles ng French Open nitong Sabado.

Tinanghal na kauna-unahang tambalan mula sa Spain sina Lopez na nagwagi sa Roland Garros sa nakalipas na 26 taon nang pabagsakin ang American rival, 6-4, 6-7 (6), 6-3.

Nagawa nilang maisalba ang anim na match point para maungusan ang 2014 champion na sina Julien Benneteau at Edouard Roger-Vasselin sa quarterfinals. Dumaan din sila sa matandang kawikaan na butas ng karayom para gapiin ang defending champion na sina Ivan Dodig at Marcelo Melo sa semi-finals.

Silvanas, pasok sa ‘50 best cookies in the world’

Laban sa tambalan nina Bryan, ipinapalagay na pinakamatagumpay na tambalan sa kasaysayan ng major championship tangan ang 16 na kampeonato, kahanga-hanga ang panalo nina Lopez.

“The tough thing about us is that if we don’t leave with the big trophy it’s devastating,” pahayag ni Bob Bryan.

“We have high standards, and sometimes that makes it not fun, because we can’t get any kind of enjoyment out of a final or semi like maybe some other players.

“You know, that’s the burden that we carry. We’re feeling that pain right now. We don’t take any solace out of leaving with the square plate,” aniya.