GENERAL SANTOS – Tumanggap ang Department of Education (DepEd)-Region 12 ng 1,500 guro na itatalaga para sa mga estudyante sa Grade 11 sa iba’t ibang pampublikong paaralan sa rehiyon.

Sinabi ni DepEd-Region 12 Director Arturo Bayucot na ang mga bagong hire na guro ay sumailalim sa 22-araw na pagsasanay sa bagong Grade 11 curriculum, alinsunod sa Kto12 program.

Aniya, inaasahan ng DepEd ang may 64,000 enrollee sa Grade 11 ngayong taon sa 500 senior high school sa Region 12, na binubuo ng South Cotabato, North Cotabato, Sultan Kudarat, Sarangani, at ng mga lungsod ng General Santos at Cotabato.

Ayon kay Bayucot, naglaan ang rehiyon ng 3,200 silid-aralan para sa senior high school ngayong taon ngunit 1,100 lamang ang nakumpleto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nilinaw naman ng opisyal na matatapos ang konstruksiyon ng natitirang 1,900 silid-aralan bago matapos ang taong ito. - Joseph Jubelag