KABILANG si dating U.S. President Bill Clinton at ang komedyanteng si Billy Crystal sa maglalahad ng eulogy sa public funeral ni Muhammad Ali.

Sa isang press conference nitong Sabado, idinetalye ng pamilya ng maalamat na boksingero ang tungkol sa kanyang burol, kasunod ng pagpanaw ng iconic sportsman nitong Biyernes ilang araw makaraang isugod sa isang ospital sa Phoenix, Arizona dahil sa problema sa baga.

Inihayag ng mga miyembro ng pamilya ni Ali na namatay siya sa septic shock dahil sa hindi binanggit na mga natural na dahilan, iniulat ng BBC News. Mahigit 30 taon nang nakikipaglaban si Ali sa Parkinson’s disease.

Magdaraos ng pribadong family service sa Louisville, Kentucky sa Huwebes, at ang libing ni Ali ay sa Biyernes, sa KFC Yum! Center. Bubuksan sa publiko ang seremonya.

Tsika at Intriga

Cristine Reyes, Marco Gumabao finollow na ulit ang isa’t isa

Una nang nagbigay ng tribute si Clinton kay Ali nitong Sabado, sinabi ang pinakamahusay na boksingero ay nabuhay nang “full of religious and political convictions that led him to make tough choices and live with the consequences”.

Ginunita rin ng komedyanteng si Billy si Ali sa pag-post niya ng video sa Twitter nitong Sabado tungkol sa pagreretiro ng boxing legend noong 1979.

“Ladies and gentlemen, there’s very little that I can add or say about Ali that he hasn’t already said himself,” biro ni Billy tungkol sa video.

Inaasahang magsasalita rin sa burol ang sports presenter at mamamahayag na si Bryant Gumbel. Ipuprusisyon din ang labi ni Ali sa Louisville sa Biyernes ng umaga para makapagbigay-pugay ang publiko sa kanya. Ang hindi makadadalo sa grand farewell ay maaaring manood sa live streaming online.

“Muhammad’s extraordinary boxing career only encompasses half his life. The other half was committed to carrying a message of peace and inclusion to the world,” sabi ni Bob Gunnell, tagapagsalita ng pamilya ni Ali. “Following his wishes, his funeral will reflect those principals and will be a celebration open to everyone. (©Cover Media)