LIPA CITY, Batangas - Isang bangkay na pinaghihinalaang drug pusher ang natagpuang nakagapos sa isang bakanteng lote na sakop ng Lipa City, Batangas.

Inilarawan ang biktima na nasa 5’8” hanggang 5’10” ang taas, edad 35-37, payat, maputi, at nakasuot ng puting T-shirt at asul na boxer shorts.

Ayon sa report mula sa Batangas Police Provincial Office (BPPO), dakong 5:30 ng hapon nitong Huwebes nang matagpuan ang bangkay ng lalaki na nakagapos ng kable ng kuryente.

Nakasulat sa isang karton sa tabi ng bangkay ang “Tulak Ako, ‘Wag Tularan”.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Inaalam pa ng mga awtoridad ang suspek sa krimen at ang pagkakakilanlan ng biktima. (Lyka Manalo)