Sinuspinde ng Land Transportation Office (LTO) ng tatlong buwan ang lisensiya ni Emmanuel Hanopol Escalona, driver ng pampasaherong jeep na nakunahan ng video habang minamanyak ang isang babaeng pasahero sa Cubao, Quezon City, kamakailan.

Ang suspension ay nilagdaan ni outgoing LTO Chief Roberto Cabrera bilang tugon sa kahilingan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na patawan ng parusa ang naturang driver dahil sa pambabastos sa pasahero.

Si Escalona, kasama ang kanyang mga operator na sina Jhonny at Janet Bausen, ng Fairview, Quezon City, ay humarap sa tanggapan ni LTFRB Board Member Ariel Inton nitong Mayo 30 upang personal na humingi ng paumanhin sa biktima.

Nakarating sa kaalaman ng LTFRB ang insidente matapos i-upload ng biktima ang panghihipo ni Escalona sa kanyang binti na naging viral sa social media.

Eleksyon

VP Sara, nag-eendorso raw para sa impeachment trial—solons

Hindi naman naantig ang puso ng biktima sa pagso-sorry ng driver at kinasuhan pa rin si Escalona. (Jun Fabon)