Angel copy copy

KINAILANGAN nang makiusap ni Angel Locsin sa netizens na pilit siyang idinadamay sa isyung nagkakamabutihan na sina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Nadadamay si Angel dahil tina-tag siya ng mga ipino-post na comments at pictures nilang tatlo.

Ang partikular na post na ipinag-react ni Angel at kinailangan niyang makiusap sa netizens ay ‘yung picture nila ni Luis na may nakasulat na “Then: Kulet at Kiti (tawagan nila ni Luis noon) at “Now: Kulet at Kati (tawag naman kina Luis at Jessy).”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nag-comment pa ang netizen ng hindi maganda laban kina Luis at Jessy at nadamay na rin pati si JC de Vera. Kaya bago magkainitan pa nang husto, nakiusap na si Angel.

Sabi ni Angel: “Hi! Thanks for your concern. pero siguro wag na lang tayong mag-bash... Wala rin kasing magandang maidudulot... Hope you understand.”

Pero sa Instagram (IG), may sinagot si Angel na isa niyang follower na itsinika ang tungkol daw kina Luis at Keana Reeves at iba pang tsismis tungkol kay Luis.

“If that is true, buhay naman niya ‘yan at who are we to judge? Pero kung tatanungin mo po ako, sa akin, he’s a gentleman at never naman akong nakarinig ng ganyan sa kanya. Ngayon po, gusto ko na pong ipagpatuloy ang pagmo-move on ko hehehe :).” (Nitz Miralles)