NAROROON sa Mindoro sina Gerald Anderson, Yen Santos at Jake Cuenca para sa taping ng Because You Loved Me.

Nag-post kamakailan si Yen na naka-two piece habang nasa dagat na may caption na, “Please take me back to this body.”

As expected, sexy naman si Yen pero hindi niya ito pino-flaunt dahil may pagkakonserbatibo ang aktres. Pero sa nasabing serye nila nina Jake at Gerald, hindi pupuwedeng hindi siya magpa-sexy dahil kailangan sa istorya bilang mga triathlon athletes sila.

Ang post naman ni Gerald Anderson, “Beautiful! Bulalacao, Mindoro. Great View & Great people. Stayed on the island after pack-up ng taping namin. I didn’t want to miss the chance to stay overnight on this island so I set up camp.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

The stars were amazing and then woke up to this View. Started the day right with #LAcoffee ..#becauseyouloveme.”

May kuha rin sina Gerald at Yen na nakasakay sa pedicab na may mga kargang paninda na may caption na, “#becauseyoulovedme - for the best MANGYAN look go to @brunosbarbers” dahil kulay brown ang buhok ng aktor.

Samantala, walang anumang post sa social media ng mga kuha niya si Jake Cuenca.

Wala pang petsa kung kailan ipapalabas sa ABS-CBN ang Because You Loved Me pero nagbabangko na si Direk Dan Villegas. (Reggee Bonoan)