Magbibigay ng suporta ang mga miyembro ng Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings sa gaganaping Barangay Ginebra San Miguel 3-on-3 National Championships bukas, sa SM North Edsa Sky Dome, Quezon City.

Makikiisa at magbibigay ng kanilang game strategy ang Gin Kings sa mga miyembro ng 16 na koponan na lalahok sa torneo na magsisimula sa 10:00 ng umaga.

Libre ang pagpapatala para makapanood.

Umaasa ang pamunuan ng Ginebra San Miguel, Inc. (GSMI), na mas maeengganyo sa paglalaro ang mga batang kalahok sa presensiya ng kanilang mga paboritong PBA player.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Ang mga kalahok ay nagmula sa Bulacan, Laguna, Tarlac, Pasig, Quezon Province, Las Pinas, Pampanga, Cavite, Cebu, Quezon City, Rizal, Pasay, Mandaluyong, Davao, Bacolod at Pangasinan.

Naghihintay ang premyong P50,000 sa kampeon, habang may P20,000 sa runner-up.