Daniel copy

HINDI na yata matapus-tapos ang pambibira kay Daniel Padilla. May bago na naman siyang gulong kinasangkutan at nagalit daw ang mga taga-Ilagan, Isabela sa Teen King dahil nag-walk out siya sa show kamakailan.

Sa isang video na in-upload sa social media, mapapanood na kumakanta si Daniel at biglang huminto dahil may itinuturo siya sa kalayuan habang kausap ang kanyang bodyguard.

Ayon sa kuwento ay sinigawan daw si Daniel ng shut up habang kumakanta kaya napatigil ang young actor at sabay tanong kung nasaan na ‘yung sumisigaw sa kanya.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Pero itinanggi ng kanyang inang si Karla Estrada na nag-walk out si Daniel.

Sa report ni MJ Felipe na napanood namin sa Bandila noong Huwebes ng gabi, “It’s not true, hindi po totoong nag-walk out siya. Tinapos niya yung show kumanta siya ng maayos.”

Nabanggit pa ni Karla na nu’ng malaman niya ang nangyari ay kaagad nitong tinawagan ang anak para alamin ang katotohanan.

Sabi raw ni DJ sa ina, ‘Okay lang ‘yan, Ma.’

“Hangga’t okay si Daniel, hangga’t relax lang siya, hangga’t ayaw niyang patulan lahat ng ito ay okay lang ako. Lagi kong sinasabi na maging ready ka sa mga taong makakaharap mo.”

Payo pa ni Karla sa mga taong gumagawa ng hindi maganda, “Siyempre, nagre-reflect po ito sa inyong mga magulang kung ano ang action na ginagawa ninyo towards other people. Lagi ang napupulaan ay kung paano kayo pinalaki ng mga magulang ninyo kaya medyo ingat-ingat tayo.”

Sabi nga, kapag hitik sa bunga ang puno, paboritong batuhin. (Reggee Bonoan)