Tatangkain ng nalalabing apat na Pinoy fighter na makasikwat ng slot sa Rio Olympics sa kanilang pagsabak sa huling World Olympic Qualifying tournament sa Hunyo 14-26, sa Baku, Azerbaijan.

Sinabi ni Association of Boxing Alliances of the Philippines (ABAP) Executive Director Ed Picson na binubuo nina Ian Clark Bautista, sasagupa sa Flyweight, Mario Fernandez na kakampanya sa Bantamweight, at si Eumir Felix Marcial na sasagupa sa Welterweight ng RP Team.

Ipinaliwanag din ni Picson na inihahabol ang ikaapat na boksingero na si Dennis Galvan sa kategorya na Light Welterweight matapos tanggihan ni eight-division world champion Manny Pacquiao ang alok na “automatic slot”.

Nauna nang nakasikwt ng Olympic berth sina Light-flyweight Rogen Ladon at lightweight Charly Suarez matapos mag-uwi ng medalyang pilak sa ginanap na Asia-Oceania Olympic Qualifying noong Marso 23 hanggang Abril 3. (Angie Oredo)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!