Dalawang kilabot na carnapper na tumangay sa motorsiklo ng isang pulis ang napatay makaraang pumalag sa mga rumespondeng operatiba ng Laloma Police Station sa Quezon City, kahapon ng madaling ng araw.

Base sa report ni PO3 Noel Bautista, ng Laloma Police Station 1, dakong 3:00 ng umaga nang magkasunod na dumaan sa checkpoint ang dalawang suspek na sakay sa motorsiklo at pinatigil sila ng pulisya upang sumailalim sa routine inspection.

Pero sa halip na tumigil, pinaharurot umano ng mga suspek ang motorsiklo dahilan upang sila ay habulin ng awtoridad.

Ayon sa ulat, inabutan ng mga tauhan ng Laloma Police ang dalawang suspek sa Maria Clara Street, at sa halip na sumuko ay pinaputukan umano ng mga ito ang mga pulis.

National

First Family nagbakasyon sa Suba Beach, Ilocos Norte sa Huwebes Santo

Matapos ang ilang minuto ng barilan ng dalawang grupo, bumulagta ang dalawang hindi nakilalang suspek.

Kinalaunan, napag-alaman ng awtoridad na ang motorsiklong gamit ng dalawang napaslang ay pag-aari ni PO2 Jan Jan Gatan na tinangay habang nakaparada sa Barangay Hall sa Gulod, Novaliches. (Jun Fabon)