Jessy copy

KAY Jessy Mendiola naman nali-link si Luis Manzano simula nang makita silang nagdi-date sa Shangri-La Edsa Mall.

Marami ang pumabor na maging couple sila, pero may mga nag-react din negatively.

Kamakailan, kay Alex Gonzaga naman nakipag-dinner si Luis at agad din silang natsismis.

Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens

Kabilang sa mga nag-react ang fans nina Luis at Angel Locsin na umaasa pa ring magkakabalikan ang dalawa. Dati pa namang mainit ang dugo ng fans nina Luis at Angel kay Jessy dahil sa isyung gusto raw ni Jessy na sa kanya ibigay ng Star Cinema ang Darna.

Naalala ng fans ni Angel na nag-post ng picture si Jessy na suot ang Darna costume at kahit sinabi nitong para lang sa guesting sa isang TV show ang pagsusuot niya ng nasabing costume, hindi pa rin siya pinatawad ng fans ni Angel.

Ang pangalawang grupo na nag-react sa pagkaka-link nina Jessy at Luis ay ang fans nina Jessy at JC de Vera.

Disappointed ang grupong ito ng fans dahil ang paniwala nila ay may nadedebelop na sa dalawa, pagkatapos may lalabas na ganitong balita.

Natawa nga kami sa parang nanunumbat sa dalaga ng isang Jessy-JC fan na nag-effort si JC na ikampanya siya para mag-number one sa FHM ‘tapos makikipag-date pala siya kay Luis.

Anyway, may magandang history sina Luis at Jessy na naging foundation para maging friends sila at ngayon nga ay nali-link. Remember nang ipagtanggol ni Luis si Jessy kay Enrique Gil sa tinawag na “airplane incident?”

Doon siguro nagsimulang maging friends sina Jessy at Luis. At ngayon nga, dating na. (NITZ MIRALLES)