KUNG saan-saan napagkikita ang dalawang youngstar na tila walang ibang ginagawa sa buhay kundi mag-malling at kumain sa restaurants kasama ang ilang kaibigan.

“Hindi po ba sila busy?” tanong tuloy sa amin ng mga nakakakita. “Wala po ba silang project? Kasi po lagi namin silang nakikita sa kung saan-saang mall.”

Tinanong namin ang nagkuwento sa amin kung hindi rin ba siya busy dahil parati niyang nakikita ang dalawang youngstar sa iba’t ibang malls.

“Bakasyon po kami now sa school kaya nakakagala po kami ng friends ko sa lahat din po ng malls,” mabilis na sagot sa amin.

Pag-aalaga ni Roxanne Guinoo sa amang may cellulitis, kinaantigan ng netizens

Natahimik kami, he-he....

Anyway, kuwento pa ng mga nakakita, “Obvious naman po na may relasyon na sila kasi parati silang magkasama pero may chaperones kasi pareho pang bagets.

“Sabi nila magkaibigan lang sila, may magkaibigan po bang laging magkasama at siguro po almost everyday silang magkasama kasi this week four times namin sila nakita sa Robinson’s Magnolia, Eastwood, Shangri-La at Rockwell.”

In fairness, marunong pumili ng malls na hindi gaanong matao ang dalawang youngstar, doon sila gumagala para siguro walang masyadong makakita sa kanila.

Balik-tanong namin sa mga nagkuwento, bakit hindi nila kunan ng litrato ‘tapos i-post nila sa social media para malaman ng lahat.

“Big news po ba sila? Kasi hindi naman sila sikat, di ba? ‘Pag may mas sikat na lang po sa kanila para maganda, promise namin, sa inyo namin ipapadala,” katwiran sa amin.

Susme, hindi pa ba sikat ang dalawang youngstar na ito?

Teka nga, maipagtanung-tanong nga kung may project ba ang dalawang bagets na ito at laging nasa galaan.

(Reggee Bonoan)