Bayani copy copy

MASAYA si Bayani Agbayani nang makausap namin sa special preview ng Ang Tatay Kong Sexy na pinagbibidahan ni Sen. Jinggoy Estrada.

“Natuwa ako nang tawagan ako ni Kuya Jinggoy na pasyalan ko raw ang special preview ng movie namin,” kuwento ni Bayani. “Tanong ko sa kanya, anong oras ka naman darating, sagot niya sa akin ‘sira-ulo ka talaga.’ “Nakakalungkot lang na hindi niya napanood ang movie na ginawa namin under Joey Reyes dahil masaya ito, tawanan kami nang tawanan nang nagsu-shooting kami. At tamang-tama ang title dahil para talaga ito sa Father’s Day this June. Kaya hindi mabibigo ang mga manonood nito, may lesson pa silang makukuha mula sa mga characters na ginagampanan namin nina Maja Salvador, Jolo Estrada, Empress Shuck, Dominic Roque, lalo na si Kuya Jinggoy.”

Nakumusta namin si Bayani, since wala na siya sa TV5.

Human-Interest

'Bahay Pangulo' sumailalim sa renovation; personal touch ni FL Liza

“Sa ABS-CBN ako ngayon, at nagpapasalamat ako na nakabalik ako muli sa kanila. Naikot ko na ang tatlong network, malapit na ako sa Animal Planet. Nagpapasalamat ako dahil meron akong sitcom, Funny Ka Pare Ko, magkasama kami ni Karla Estrada, ‘tapos may gagawin din akong soap.”

So, naka-full circle na siya dahil nakabalik na pala siya sa ABS-CBN.

“Yes, ganoon naman ako, ‘pag nasa isang channel ako, hindi ako gumagawa sa iba.”

Bakit hindi siya pumirma ng kontrata sa ABS-CBN?

“Eh, wala namang nagpapapirma sa akin. Gusto ko na nga sanang pumirma, kung meron ba. Si Noel Ferrer ang tumutulong sa akin ngayon. Pero sa tagal ko na rin, awa ng Diyos, sa industriya, alam ko na rin ‘yung pakikipag-usap sa kanila, pero pagdating sa presyo, sa budget, si Noel ang tumutulong sa akin dahil ayoko namang diretso akong magsabi sa kanila.” Kahapon, June 1, ang opening ng Tatay Kong Sexy in theaters nationwide. (Nora Calderon)