CABANATUAN CITY – Isang store manager at lima niyang empleyado ang nahaharap sa kasong qualified theft makaraang hindi i-remit ang kabuuang kinita ng pinaglilingkurang convenience store simula Pebrero 2016 hanggang Abril ngayong taon, na natuklasan sa isinagawang auditing.

Sa reklamo ni Ramoncito Bernardo y Sinense, may-ari at operator ng 7/11 sa Maharlika Highway, Barangay Sumacab Este, ng lungsod, nadiskubre niya na umaabot sa P174,000 ang hindi ini-remit sa opisina.

Kinasuhan ng qualified theft sina Cheryl Anne Gonzales, ng Bgy. Sta. Rita, Jaen; Jonathan Tayao, ng Bgy. Atate, Palayan City; Gene Bryan Ruiz, ng Bgy. Valenzuela, Sta. Rosa; John Marl Laureto, ng Bgy. San Pablo, Aliaga; Fatima Bongbonga, ng Bgy. Sumacab Este, Cabanatuan; at Dante Quinez, ng Bgy. Camp Tinio, Cabanatuan. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog