Kailangang makapagpasa ng panukala na magkakaloob ng mekanismo upang pahintulutan ang mga individual taxpayer na maglaan ng limang porsiyento ng kanilang taunang kita para sa kanilang paboritong civil society organization (CSO).

Sinabi ni Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat, Jr. na layunin ng House Bill 5246 na magtatag ng isang People’s Fund, na magpapasya ang bawat taxpayer kung aling CSO ang nangangailangan ng kanyang suporta.

Ayon kay Baguilat, ang People’s Fund ay itinulad sa matatagumpay na gawain sa ilang bansa sa Europe, kabilang ang Hungary, Poland at Romania.

Aniya, ang mga CSO sa Pilipinas ay kinikilala bilang “among the most vibrant in the whole world”.

Brass plate sa monumento ng mga guerilla sa Muntinlupa, ninakaw at ibinenta sa junk shop!

“Still, many of these non-profit organizations survive on a year-to-year or even month-to-month basis and rely on donations and grants to fund their programs and projects,” sabi ni Baguilat. “Unfortunately, international funding for local CSOs has declined since the 1990s due to shifts in their priorities and other reasons.” (Bert de Guzman)